Mga Post

MALAMBOT AT MASARAP NA ENSAYMADA, BURGER BUN AT PANDESAL, MULA SA SWEET DOUGH

Imahe
Alam ba ninyo na kaya mong gumawa ng ibat ibang klase ng tinapay gaya ng bun, ensaymada at pandesal na malambot at masarap sa mix na sweet dough ?   Sa blog na ito ay ituturo ko sa inyo ang step by step na paraan kung paano gumawa ng mga tinapay na ito sa madaling paraan. Madali, dahil hindi mo kailangan ang mamahaling gamit na mixer .  Ihanda ang ballpen at papel, narito ang mga dapat tandaan: 1.  Paghahanda ng gamit at ingredients 2.  Mixing Stage 3.  Kneading Stage 4.  Rising Stage 5.  Paghuhulma o Bread Moulding 6.  Proofing at Baking Stage  PAGHAHANDA  NG GAMIT AT INGREDIENTS Ihanda ang mga sumusunod: A. bowl, weighing scale, scraper, baking sheet B.  Ingredients:      1 kilo Wheat flour or 1st class flour      150 grams white sugar      17 grams salt      20 grams yeast      10 grams bread improver      40 grams skim milk    ...

PROOFING AT BAKING STAGE

Imahe
PROOFING STAGE Ang Proofing Stage ay ang bahagi ng proseso na kung saan ang hinulmang  dough ay ilalagay sa isang close area upang paalsahin at ihanda sa pagbake sa oven .  Dito pinapaalsa ng husto upang makuha ang eksaktong laki ng tinapay. Kapag open ang lugar na pinagpapaalsahan naaantala ang paglaki nito at nagiging dr y ang balat na nagiging sanhi ng pagtigas ng tinapay o crusty bread .  Upang maiwasan ito mas makakabuti ang paggawa ng Proofing Rack upang dito naka -file ang isasalang sa oven na dough per batches ayon sa pagkakasunod sunod o first in first out.   Lalagyan ito ng cover na plastic .  Maaari ding lagyan ng pinakulong tubig upang mainitan ang proofing area at mabilis na aalsa. BAKING STAGE Ang baking stage ang pinal na proseso sa baking . Kapag nakahanda na ang unang batch sa proofer, sisindihan na ang oven at paiinitin ito ayon sa uri ng bread na ibe -bake .  Ang ideal na temperature sa baking ng yeasted bread na katu...

ANG PAGMAMASA O KNEADING STAGE

Imahe
          Ang pagmamasa o kneading stage ang isa sa hamon ng mga baker dahil dito nakasalalay ang itsura at tekstura ng ginagawang tinapay. Kailangan mong maglaan ng walang patid na pakikipagbuno sa minasa hanggang sa ito ay kuminis at maging isang elastic dough di katulad ng cakes, muffins at cookies.          Narito ang ilang tips para sa makinis na pagmamasa: 1.  Dakutin ng dalawang kamay ang minasa at iangat ng bahagya at i- fold ng dalawang palad na parang nagmamasahe ng katawan. Gawin ito ng paulit ulit ng 15 hanggang 20 minuto. 2.  Makalipas ang 20 minuto na pagmamasa bilugin ito na parang bola at pagkatapos lagyan ng mantika ang buong palibot nito. 3.  Ilagay sa bowl at takpan ng plastic o cling wrap at paalsahin ng limang minuto. 4.  Makalipas ang limang minuto mapapansin na ang dough ay lumaki na ng bahagya.  Muli itong masahen sa mesa hanggang maging elastic ang buong masa. Ang testing par...

PAGHUHULMA O BREAD MOULDING

Imahe
  Ang paghuhulma o bread moulding ay ginagawa pagkatapos ng Rising Stage kung saan ang pinaalsang dough ay handa ng hulmahin.  Ang masa ay ibabalik sa mesa at hihiwain depende kung ano ang gagawin na tinapay.   PAGHUHULMA SA BURGER BUN Hiwain ang dough ayon sa bigat ng bawat piraso, halimbawa 90 gramo kada isang bun at bilangin ang dami na kasya lamang sa baking sheet na paglalagyan.  Hwag ipagsama sa ibang klase ng tinapay gaya ng pandesal dahil iba ang baking time ng pandesal sa bun kahit na iisang masa ang pinanggalingan. Hulmahin na parang may hawak na itlog ang iyong kamay, ilapat ito sa mesa at paikutin ito ng clockwise hanggang mabuo ang hugis bilog na bun. PAGHUHULMA SA ENSAYMADA Katulad ng bun hiwain din ito sa laki kung ilang gramo ang bawat isa, halimbawa 100 kada isa.  Hilain ng bahagya ang dough at pahabain ito.  Kung lalagyan mo ng filling gaya ng butter o jum gumamit ng rolling pen at i- flat  na halos dalawang ruler ...