PROOFING AT BAKING STAGE
PROOFING STAGE
Ang Proofing Stage ay ang bahagi ng proseso na kung saan ang hinulmang dough ay ilalagay sa isang close area upang paalsahin at ihanda sa pagbake sa oven. Dito pinapaalsa ng husto upang makuha ang eksaktong laki ng tinapay. Kapag open ang lugar na pinagpapaalsahan naaantala ang paglaki nito at nagiging dry ang balat na nagiging sanhi ng pagtigas ng tinapay o crusty bread. Upang maiwasan ito mas makakabuti ang paggawa ng Proofing Rack upang dito naka-file ang isasalang sa oven na dough per batches ayon sa pagkakasunod sunod o first in first out. Lalagyan ito ng cover na plastic. Maaari ding lagyan ng pinakulong tubig upang mainitan ang proofing area at mabilis na aalsa.
BAKING STAGE
Ang baking stage ang pinal na proseso sa baking. Kapag nakahanda na ang unang batch sa proofer, sisindihan na ang oven at paiinitin ito ayon sa uri ng bread na ibe-bake. Ang ideal na temperature sa baking ng yeasted bread na katulad ng mga bun, ensaymada at pandesal ay ranges 350 F hanggang 400 F. Kapag golden brown na ang kulay ng tinapay ito ay luto na.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento