ANG PAGMAMASA O KNEADING STAGE


        Ang pagmamasa o kneading stage ang isa sa hamon ng mga baker dahil dito nakasalalay ang itsura at tekstura ng ginagawang tinapay. Kailangan mong maglaan ng walang patid na pakikipagbuno sa minasa hanggang sa ito ay kuminis at maging isang elastic dough di katulad ng cakes, muffins at cookies.

        Narito ang ilang tips para sa makinis na pagmamasa:

1.  Dakutin ng dalawang kamay ang minasa at iangat ng bahagya at i-fold ng dalawang palad na parang nagmamasahe ng katawan. Gawin ito ng paulit ulit ng 15 hanggang 20 minuto.

2.  Makalipas ang 20 minuto na pagmamasa bilugin ito na parang bola at pagkatapos lagyan ng mantika ang buong palibot nito.

3.  Ilagay sa bowl at takpan ng plastic o cling wrap at paalsahin ng limang minuto.

4.  Makalipas ang limang minuto mapapansin na ang dough ay lumaki na ng bahagya.  Muli itong masahen sa mesa hanggang maging elastic ang buong masa. Ang testing para malaman na pwede na. Kumuha ng maliit na dough at unti unti itong hilahin sa magkabila. Kung agad na napunit ituloy pa ang pagmamasa pero kung parang platic na yun ang palatandaan na pwede na.


RISING STAGE O PAGPAPAALSA SA BUONG MASA

Pagkatapos ng kneading muling bilugin ang buong masa at ibalik sa bowl,  Takpan muli ito ng plastic at paalsahin hanggang sa ito ay maging doble ang laki.  Ang Rising stage ay binibigyan ng sapat na panahon ang dough upang ito ay umalsa upang ihanda sa paghuhulma ng anumang disenyo ng tinapay.  Sa ganitong paraan nakakagawa tayo ng ibat ibang hugis gaya ng  maliit na baston sa ensaymada, pag pagroroll sa cinnamon roll, paggawa ng mga bilog at ibang hugis.

Mga Komento