MALAMBOT AT MASARAP NA ENSAYMADA, BURGER BUN AT PANDESAL, MULA SA SWEET DOUGH
Alam ba ninyo na kaya mong gumawa ng ibat ibang klase ng tinapay gaya ng bun, ensaymada at pandesal na malambot at masarap sa mix na sweet dough? Sa blog na ito ay ituturo ko sa inyo ang step by step na paraan kung paano gumawa ng mga tinapay na ito sa madaling paraan. Madali, dahil hindi mo kailangan ang mamahaling gamit na mixer. Ihanda ang ballpen at papel, narito ang mga dapat tandaan:
1. Paghahanda ng gamit at ingredients
2. Mixing Stage
3. Kneading Stage
4. Rising Stage
5. Paghuhulma o Bread Moulding
6. Proofing at Baking Stage
Ihanda ang mga sumusunod:
A. bowl, weighing scale, scraper, baking sheet
B. Ingredients:
1 kilo Wheat flour or 1st class flour
150 grams white sugar
17 grams salt
20 grams yeast
10 grams bread improver
40 grams skim milk
3 pcs eggs
3 grams gluten (optional)
375 grams water
bread crumbs
ANG PROSESO NG PAGHAHALO NG INGREDIENTS O MIXING STAGE
1. Ilagay sa bowl ang harina at gumawa ng hukay sa gitna
2. Isunod ang asukal, yeast at tubig at haluin hanggang sa matunaw ang yeast at asukal
3. Ilagay ang natitirang sangkap na asin, skim milk, eggs, gluten at butter
4. Mula sa gitna unti unting ihalo ang harina na parang naghahalo ng semento hanggang ito ay magpormang masa o dough
5. Alisin ang dough sa bowl at ilipat ito sa mesa na sinabuyan ng konteng harina upang simulan ang kneading stage.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento