PAGHUHULMA O BREAD MOULDING
PAGHUHULMA SA BURGER BUN
Hiwain ang dough ayon sa bigat ng bawat piraso, halimbawa 90 gramo kada isang bun at bilangin ang dami na kasya lamang sa baking sheet na paglalagyan. Hwag ipagsama sa ibang klase ng tinapay gaya ng pandesal dahil iba ang baking time ng pandesal sa bun kahit na iisang masa ang pinanggalingan.
Hulmahin na parang may hawak na itlog ang iyong kamay, ilapat ito sa mesa at paikutin ito ng clockwise hanggang mabuo ang hugis bilog na bun.
PAGHUHULMA SA ENSAYMADA
Katulad ng bun hiwain din ito sa laki kung ilang gramo ang bawat isa, halimbawa 100 kada isa. Hilain ng bahagya ang dough at pahabain ito. Kung lalagyan mo ng filling gaya ng butter o jum gumamit ng rolling pen at i-flat na halos dalawang ruler ang haba. Ipunas ang butter o jum sa gitna, i-roll ang dough at ipulupot ng counter clock wise o swirl. Kung walang filling, pahabain lang ito gamit ang dalawang palad ng dalawang ruler at ipulupot ng counter clockwise o swirl. Maaari karin gumamit ng ensaymada pan upang magkaroon ng dagdag na design ang iyong ensaymada.
PAGHUHULMA NG PANDESAL
Samantala, ang pandesal ay hindi kailangan hiwain agad ng paisa isa na gaya ng bun at ensaymada pagkatapos ng rising stage. May tinatawag na pagbabaston. Sa buong masa hihiwa na ang lapad ay halos 3 inches. I-roll na ang taba ay tama lamang sa pag alsa ng doble. Pagulungin ang baston sa bread crumbs at muling ibalik sa mesa saka paalsahin ng 30 minuto. Hiwain ito gamit ang scraper ayon sa tamang laki at muli na naman lagyan ng bread crumbs ang bahaging pinagputulan. Kung pahiga ang pagsalansan sa baking sheet ang haba ng putol ay aabot ng 2 inches. Ngunit kung patayo putulin lang ito ng 1 and 1/2 inches.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento